Tunggalian ng tao at kalikasan

Hindi biro para sa atin ang mga pinagdadaanan natin sa pang araw-araw nating mga buhay kaya patuloy tayong naghahanap ng mga paraan upang mapadali natin ito at mapasaya natin ang ating mga sarili. Dahil sa ating naguumapaw na kasabikang makuha ang mga ito, ang kalikasan ay labis na naaapektuhan nito at hindi biro ang mga dinaranas nito dahil saatin. Sila ang madalas na nagagamit upang makamit ang mga pagnanais nating mga tao na nagreresulta sa pagkasira at pagkaubos nila.
Ang hindi natin napapagtanto ay habang nagsasaya tayo sa pansamantalang benepisyong naibibigay nito saatin, ang pang araw-araw na tunggalian ng kalikasan at tao ay labis rin na makakaapekto saatin sa katagalan dahil ang kalikasan, na ang pangunahing kailangan nating mga tao upang mabuhay ay maaaring maubos dahil sa mga iresponsableng aksyon na ginagawa natin at kung maubos ito, maaaring maubos rin tayong mga tao. Sana kahit papano'y hindi lang mamulat ang mata ng bawat isa saatin patungkol dito, ngunit kumilos na din tayo dahil hindi pa naman huli ang lahat.


Patuloy na ba nating pinagpapalit sa mga gusali ang kalikasang atin namang naging tahanan?

Reklamo tayo ng reklamo, kung kalikasan kaya ang magreklamo?



Mas naituturing pa nating basura ang bulok na mga dahon kaysa sa mga basurang gawa natin mismo.

Ang dalawang magkatunggalian ay sapilitang nagsasama na.

Hinayaang tumubo kasi gusto o dahil kailangan?

Dating buhay na puno'y pinatumba upang patayuin lamang muli. Ngunit sa oras na 'to, ito'y wala nang buhay.

Nagtutulungan o nagpapatayan?

Sa hinaharap ba'y magiging mga imahe na lamang sila?

Mundo natin ay pilit pinapalawak habang ang mundo nila'y patuloy na nawawala na.

Ang dating namamahala, ngayo'y pinapamahalaan na.

Pipitasin kasi maganda o maganda kaya hindi pipitasin?

Buong puso pa bang inaalagaan o hinahayaan na lamang?

Pwesto para sa mga gusto natin ay lumalaki, pwesto para sa mga kailangan natin ay lumiliit.

Ang kalikasang ating kinamulatan
 ay ngayo'y ating binabalewala't tinatatapaktapakan na lamang.

Ano na ang mas nakakalamang? Berde o kayumanggi?

Comments

Post a Comment